3 patay sa sunog sa Mandaluyong

PATAY lolo at lola kasama ang kanilang apo makaraang magkasunog sa Basilica st., Barangay Namayan, Mandaluyong City.

Sa inisyal na imbestigasyon, hatinggabi nang naiwan sa nasusunog na bahay ang mga biktimang sina Eduardo Yangco Sr., Norma Yangco, at apong si Lester Yangco, 18, Information Technology student ng University of the East Manila.

tinangkang iligtas ni Lester ang kanyang lolo’t lola ngunit na-trap din ito sa loob ng nasusunog na bahay.

Isinugod pa sa ospital sina Eduardo Yangco Jr. at ang asawa nitong si Milagros na kapwa nagtamo ng lapnos sa kanilang braso at mukha.

Tinatayang aabot sa P1 milyon halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na idineklarang fireout makalipas ang isang oras.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply