3-peat tangka ng Road Warriors

SISIMULAN ng NLEX Road Warriors ang pagdedepensa sa korona ng PBA D-League Foundation Cup at ang tangka nilang makuha ang 3-peat title sa pagsisimula ng komperensiya laban sa Big Chill Superchargers na gaganapin sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City mamayang hapon.

Ang labanan ng Road Warriors at Superchargers ay animo rematch ng kanilang Aspirants Cup semifinal series noong nakaraang taon kung saan nakuha ng Road Warriors ang titulo sa loob ng tatlong laro.

Muling sasandal ang tropa ni Boyet Fernandez sa kanyang ace guard na nasubukan na noong nakaraang season. Subalit hindi makapaglalaro si dating Far Eastern University guard Ryan Roose Garcia na kasalukuyang nag-eensayo sa FEU Tamaraws bilang paghahanda sa susunod na UAAP season. Hahalili sa kanya si Eman Monfort, kasama sina Garvo Lanete, Dave Marcelo at mga Fil-Am na sina Cliff Hodge at Chris Ellis.

Naniniwala ang mga coach ng team na magiging mabigat ang mga laro nila laban sa Road Warrior dahil halos buo pa ang roster nito sa kabila ng ilang overhaul sa koponan nila. Sa panig ng Big Chill na nagpakita ng magandang laro sa Aspirants Cup finals ay nakuha nila ang serbisyo nina scoring guards Mac Montilla at Jeff Viernes.

Ang RnW Pacific Pipes ay haharap sa Leo Austria-coached Blackwater Elite na pinangungunahan nina AJ Mandani, Jeric Fortuna, Clark Bautista, Gio Ciriacruz at Ice Ciriacruz.

Mga laro ngayon:
2 n.h. – RnW Pacific Pipes vs Blackwater Elite
4 n.h. – Big Chill Superchargers vs NLEX Road Warriors

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply