3 Pinay na ipinakulong ng Phil. embassy sa Syria nagpasaklolo

HUMINGI ng tulong ang tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa Migrante Middle East makaraang ipinakulong sa Syria ng mismong Philippine Embassy.

Ayon sa Migrante Middle East, nakatanggap sila ng text message mula sa isang Rowena Ramos na humihingi ng tulong matapos silang ikulong kasama ang dalawang iba pang kinilala lamang sa pangalang Nelvic at Romela.

Agad na tinawagan ng grupo ang cellphone number ni Ramos matapos matanggap ang text message pero hindi na nila ma-contact kaya blangko sila kung saang lugar ito nakakulong.

Kaugnay nito, hiniling ng Migrante Middle East sa Department of Foreign Affairs (DFA) na pagpaliwanagin ang Philippine Embassy officials sa syria sa pagpapakulong nito sa tatlong Filipina.

Una nang nakatanggap ng report ang grupo na maraming Pinay na tumakas sa kanilang amo ang ipinakulong mismo ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus.

Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, sinabi nito na imposibleng ipakulong ng embahada ang mga Pinay lalo na’t prayoridad nila ngayon ang paglilikas sa OFWs na naiipit sa gulo sa nasabing bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply