3 Pinoy nakisalo sa liderato ng Vietnam international chess tilt

NAIKAMADA ang magkasunod na tagumpay nina Grandmasters Mark Paragua at John Paul Gomez at National Master Edgar Reggie Olay para patuloy na itaas ang bandila ng Pilipinas at makisalo sa liderato ng 2nd HD Bank Cup International Open Chess tournament 2012 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Giniba ni Paragua si FM Pham Duc Thang ng Vietnam sa first round kasunod ng paggupo kay IM Tu Hoang Thai ng Vietnam sa second round.

Kinaldag naman ni Gomez sina IM Bao Khoa at FM Nguyen Van Hai ng Vietnam, ayon sa pagkakasunod habang nangibabaw naman si Olay kina CM Nguyen Van Toan Thanh at Nguyen Sy Hung ng Vietnam, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang nakalikom ng perfect 2.0 points ay sina top seed GM Le Quang Liem (2698), IM Duong The Anh at FM Le Tuan Minh ng Vietnam, GM Xiu Deshun, GM Li Shilong, GM Ni Hua, IM Gao Rui at Yu Chaojie ng China, IM Diu Viacheslav ng Russia at IM Ly Moulthun ng Australia.

Nagpakitang gilas din sina International Masters Oliver Dimakiling at Jan Emmanuel Garcia na nakapagtala ng 1.5 points.

Winasiwas ni Dimakiling si Pham Thi Thu Hien ng Vietnam kasunod ng pagtabla kay Nguyen Thien Viet ng Vietnam habang nakihati ng puntos si Garcia kay Christer Jon Aplin ng Singapore kasunod ng pagdurog kay WFM Vu Thi Dieu Ai ng Vietnam.

Nakabalik naman sa kontensiyon sina GM Eugene Torre at GM Oliver Barbosa matapos manalo sa kani-kanilang second round match para makalikom ng 1.0 point tulad ng mga kababayang sina IMs Rolando Nolte at IM Emmanuel Senador, FIDE Master Paolo Bersamina at NM Rhobel Legaspi.

Pinasadsad ni Torre si Vinod Gopal ng India habang angat si Barbosa kay Do Thi Thuong ng Vietnam. Unang yumuko si Torre kay Tran Ngoc Thach ng Vietnam sa first round gayundin ang pagtiklop ni Barbosa kay WIM Nguyen Thi Mai Hung ng Vietnam.

Ang torneong ito ay bahagi ng preparasyon ng Philippine Team sa 38th World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey na gaganapin sa taong ito, ayon kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president Prospero “Butch” Pichay Jr. Liberty Icao

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply