3 solon tetestigo sa panig ng depensa

TATLONG kongresista ang kumpirmadong tatayong testigo sa panig ng depensa.

Ito ang kinumpirma ni Deputy Speaker Erin Tañada sa isang katatapos na press conference.

Kasama sa mga tatayong testigo ng depensa sina Cavite Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla, Navotas Rep. Toby Tiangco, at Batangas Rep. Hermilando Mandanas.

Paliwanag ni Tañada na malaya naman aniyang magagawa ng kanilang mga kapwa mambabatas ang pagtestigo lalo pa’t hindi naman sila mga complainant o lumagda sa articles of impeachment.

Dagdag pa niya, kung makikialam naman ang prosecution team sa pagtestigo ng mga kasamahang mambabatas ay maaakusahan pa sila ng pagpigil sa mga ito.

Naunang nagpahayag sng pagtutol ang liderato ng Kamara sa posibilidad ng pag-subpina kay Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas upang maging testigo matapos niyang aminin mismo sa impeachment court na “masagwa” ang pagkakasulat ng article of impeachment.

Ang depensa ay nakatakdang maglatag ng kanilang ebidensya sa Lunes (Marso 12).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply