3 tripulanteng Pinoy dinukot sa Yemen

HINIHINALANG dinukot ang tatlong tripulanteng Pinoy sakay ng isang barko sa Yemen.

Batay sa report na isang Yemeni government official, bumabaybay ang barkong sinasakyan ng tatlong Pinoy seamen sa Al-Mahrah Province nang dukutin ng Bani Jab-R Tribesmen ang mga ito.

Nabatid pa na hinihinging kapalit ng mga kidnapper ang pagpapalaya ng Yemeni government sa isang preso sa kanilang katribo.

Agad namang rumespunde ang security forces at iniutos na arestuhin ang mga kidnapper para mapalaya ang tatlong Pinoy.

Nabatid na mahigit sa 200 na ang dinukot sa Yemen sa nagdaang 15 taon na kadalasan ay mga taga-tribo ang kidnapper, subalit halos lahat nang nadudukot doon ay napapalaya naman na ‘di nasasaktan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply