3 tulak arestado sa Quezon City

TATLONG tulak ng shabu ang nalambat sa buy bust operation na ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay South Triangle.

Ang mga suspek ay kinabibilangan ng dalawang babae at isang babae na kinilalang sina Rosemarie Rebosa, Maria Cristina Biloy at Divino Jimenez.

Sa imbestigasyon, nakuha sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu matapos ang isinagawang pagsalakay ng operatiba sa Timog Avenue kanto ng Scout Tobias.

Nabatid na target na bentahan ng tatlo ang mga customer sa ilang entertainment establishment sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply