30 pamilya lumikas, Oriental Mindoro patuloy na binabaha

PANSAMANTALANG nanunuluyan ngayon sa evacuation center ang may 30 pamilya ng mga Mangyan makaraang bahain sa Barangay Tagumpay, Baco, Oriental Mindoro.

Ayon kay Mayor Marciano Dela Chica, pinalilikas pa niya ang iba pang mga Mangyan sa naturang barangay dahil mataas pa rin ang tubig sa lugar matapos umapaw ang Cararayan creek.

Samantala, nagpadala na rin ng doktor ang lokal na pamahalaan sa evacuation center dahil nakararanas na ng sakit ang mga bata roon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply