30 puntos nilipad ni Smith

KAHIT wala ang pambato ng Atlanta Hawks na si Joe Johnson ay nagawa pa rin nilang mapigil ang winning streak ng Oklahoma City Thunder matapos ang 97-90 panalo ng una sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Pinanood ni Johnson, may knee injury kung paano nila tinalo ang Western Conference leader Thunder.

Alam ni Josh Smith na kailanagan niyang kumayod ng todo sa opensa kaya naman niliapad nito ang 30 puntos, 12 rebounds at apat na assists upang ilista ang 22-15 win-loss slate.

“I was just real focused,” sabi ni Smith. “I wanted to be the guy to try to will us to win this game. I was able to find some cracks in their defense and put the ball in the hole.”

Nahablot ng Oklahoma ang lamang sa 71-70 may ilang segundo na lamang ang natitira sa third canto subalit hindi naman nawalan ng loob ang Hawks kaya nanatili silang nakakapit sa laban.

“When they grabbed that lead, we knew we still were in the ballgame,” kuwento ni Smith. “We didn’t want to hang our heads and have bad body language. We were able to come out and play a good basketball game tonight.”

Si Jeff Teague ang pumangalawa sa scoring ng Hawks na may 16 points, at tig-dalawang boards at assists habang may tig 10 pts. sina Kirk Hinrich at Zaza Pachulia.

Tumapos si Thunder star player Kevin Durant ng 35 markers kasama ang 14 of 17 sa free throw attempts habang si Russell Westbrook ay tumirada ng 25 puntos at apat na assists.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply