300 paaralan sa bansa magtataas ng tuition fee

PLANO ng may 300 private schools, colleges at universities sa buong bansa na magtaas ng tuition fee para sa darating na pasukan (school year 2012-2013) sa Hunyo.

Nabatid na 70 mula sa 300 ay mga kilalang paaralan at pamantasan sa Metro Manila.

Sinabi ni Commission on Higher Education (Ched) Executive Director Julito Vitriolo, na kailangan pa nilang suriin ang mga pamantasan na nag-abisong magtataas ng matrikula.

Maari aniyang magtaas ng matrikula ang mga eskuwelahan kapag napatunayang valid ang kanilang dahilan.

Sa mga pribadong paaralan sa bansa, inihayag ng Ched na wala silang masyadong magagawa sa usapin ng tuition fee increase dahil may mga kanya-kanyang regulasyon ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply