31 OFW galing Syria balik-Pinas na

BALIK-PILIPINAS na ang 31 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Syria.

Kasamang dumating ng mga Pinoy worker si Vice President Jejomar Binay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi (Marso 12)

Ang mga naturang OFW ay inilikas sa Syria dahil sa tumitinding kaguluhan doon.

Hindi naman nailikas ang iba pang OFW dahil ang iba ay nagkaroon ng problema sa kanilang mga amo.

Mahigit 1,000 OFW na ang napa-uwi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) mula sa Syria simula nang sumiklab ang kaguluhan sa nabanggit na bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply