32 estudyante nalason sa kamoteng kahoy

TINATAYANG 32 mga estudyante kabilang ang kanilang principal ang nabiktima ng food poisoning sa Buhi, Camarines Sur.

Nabatid na kumain lamang ng kamoteng kahoy ang mga Grade 4 pupil kasama ang kanilang principal na kinilalang si Mrs. Marilyn Fernandez sa Sagrada Elementary School sa nasabing bayan.

Makaraang matapos kumain, nakaramdam na lamang ng pagkahilo ang mga ito na agad namang dinala sa Buhi Community Hospital.

Kasalukuyan namang inaalam pa ng awtoridad kung saan nagmula ang nasabing pagkain.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply