35-anyos ginang tinamnan ng bala sa ulo

PATAY ang 35-anyos na ginang nang tamnan ng bala ng baril sa ulo habang naglalakad malapit sa riles ng tren kaninang umaga sa Muntinlupa City.

Sa imbestigasyon, isang lalaki ang basta na lang bumaril sa biktimang si Rose Matelindo, ng 405 Purok 1 Sucat, Muntinlupa at parang walang nangyari na naglakad lamang matapos ang pamamaril.

Sa report ng pulisya, nangyari ang pamamaslang alas-6:30 ng umaga sa Purok 1, Barangay Sucat habang naglalakad ang ginang malapit sa riles ng tren.

Bagama’t isa lamang ang tama sa ulo ng biktima, nakuha sa lugar na pinangyarihan

ng krimen ang apat na basyo ng kalibre .45 baril at isang depormadong slug.

Hinala ang mga tauhan ng Police Community Precincnt (PCP) 3 ng Muntinlupa police na “professional killer” ang may kagagawan sa pamamaril dahil hindi man lamang kinakitaan ng pangamba o pag-aalala ang salarin nang barilin nang malapitan ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply