36 degree Celsius mararanasan sa MM– PAGASA

MATAPOS makaranas ng dalawang ulit na 34.5-degree Celsius na init ng panahon ang Metro Manila ngayong buwan, nagbabala pa ngayon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na posibleng pumalo pa ang temperatura sa 36 degrees Celcius sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni forecaster Aldczar Aurelio, na ang temperatura sa ibang lugar ay maaari pang umabot sa 37 degrees.

“In Metro Manila, we can expect temperatures to reach 35 to 36 degrees,” pahayag ni Aurelio at idinagdag na ang panahon sa ibang lugar tulad ng Tuguegarao sa Cagayan province ay maaring umabot sa 37 degrees.

Sa dalawang magkahiwalay na okasyon, nakaranas ang mga residente ng Metro Manila ng 34.5-degree heat, na pinaka-mataas ngayong taon.

Nitong nakaraang Huwebes (Marso 8), nakapagtala ang PAGASA ng 34.5 degrees Celsius sa NCR, ang pinakamataas na temperatura ngayong taon.

Ang temperatura nitong nakaraang Huwebes na 34.5-degree temperature at kahalintulad ng 34.5 degrees Celsius na naitala nitong nakaraang Marso 3.

Samantala, makararanas na mga pag-ulan sa kabuuan ng Eastern Visayas at Mindanao sanhi ng easterlies, o hangin na nagmula sa silangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply