38 puntos binira ni Durant

KUMURYENTE ng 18 puntos sa fourth quarter si Kevin Durant upang igiya ang Oklahoma City Thunder laban sa Orlando Magic, 105-102 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Tumapos si NBA-All Star MVP Durant ng 38 points, eight rebounds at three assists habang nag-ambag si Russell Westbrook ng 29 pts., 10 assists at dalawang boards upang manatiling nasa unahan ng Western conference na may 29-7 win-loss slate.

Abante ng 11 points ang Magic papasok sa fourth canto subalit ng magsimulang kumidlat sa opensa si Thunder ace player Durant ay unti-unting naupos ang mahika ng una.

Nakuha ng Thunder ang lamang nang bumira si Durant ng dalawang free throws, (90-89) may 3:56 na lang ang natitirang oras.

Nagtuloy pa rin ang pamamayagpag ni Durant sa foul line at sa long shots kaya lumaki pa ang lamang ng Thunder, (103-96) may 16.2 segundo na lang ang nalalabing oras.

Bumira ng back-to-back treys ang Magic upang mangamba ang Thunder dahil tatlo na lamang ang kanilang inaalagaang lamang, 105-102.

Sa sumunod na play ay sumablay sa foul line si Thunder guard Daequan Cook kaya nabuhayan ang Magic subalit mintis sa three-point arc si Jason Richardson.

Si Star player Dwight Howard ang naging top scorer para sa Magic na may tinikadang 33 markers, siyam na rebounds at tig dalawang assists at steals habang si Richardson ay nagtala ng 16 puntos, anim na rebounds at dalawang assists.

Sa ibang resulta ng NBA, tinalo ng Phoenix Suns ang Minnesota Timberwolves, 104-95 habang pinaluhod ng Los Angeles Clippers ang Sacramento Kings, 108-100.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply