4 Chinese national arestado sa NAIA

APAT Chinese nationals ang hinuli sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos tangkaing gamitin ang Pilipinas bilang jump-off point patungong US at Canada na peke ang mga visa, ayon sa Bureau of Immigration (BI) kanina.

Nakatakda na sanang umalis ang apat na dayuhan lulan ng Philippine Airlines flight noong Pebrero 25 nang harangin sila ng mga miyembro ng BI travel control and enforcement unit.

Ayon kay BI commissioner Ricardo David Jr., dalawa sa mga dayuhan na nakilalang sina Jiang Wen at Lin De Wum ay patungong Vancouver habang ang dalawa pang iba na sina Chen Nan at Cheng Shaojin ay patungong Los Angeles.

Napag-alaman na agad ibinalik patungong China lulan ng PAL flight biyaheng Beijing nung sa araw na iyon ang mga suspek.

“We must send a strong signal to these syndicates that they should not use our country as a transit point for their human smuggling activities,” anang David.

Binalaan nito ang mga sindikato na nakabantay ang mga immigration officer sa iba’t-ibang ports of entry para sa illegal aliens.

Ayon naman kay BI airport operations division acting chief Benito Se, ang mga mainland Chinese ay pinigil ilang oras makaraang dumating sa NAIA bilang transit passengers sakay ng PAL flight mula Jakarta.

Aniya, ang fake Canadian at US visas ay naka-stamp sa kanilang pasaporte na nagsabing pansamantala silang nanuluyan sa isang hotel sa loob ng isang linggo sa Jakarta bago lumipad papuntang Manila.

Nabatid pa sa apat na nagbayad sila ng US$7,000 hanggang US$8,000 sa mga sinadikato sa China para sa pasilitasyon ng kanilang travel papers at pag-asikaso sa kanilang trip sa Indonesia at Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply