4 holdaper patay sa shootout sa Quezon City

TUMIMBUWANG ang apat na hindi pa nakikilalang holdaper makaraang makaengkuwentro ang nagpapatrulyang mga pulis sa Quezon City sa magkahiwalay na lugar sa Novaliches at Payatas kahapon at kaninang madaling-araw.

Namatay noon din sa lugar ng insidente ang isa sa suspek na inilarawan sa suot na brown na short pants at puting t-shirt at tinatayang nasa 20-30 anyos, habang namatay naman sa East Avenue Medical Center ang kasamahan nito bunga rin  ng tinamong mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Inveastigation and Detection Unit, naganap ang insidente 5:00 ng hapon sa kahabaan ng  Zabarte Road, Novaliches, QC.

Nagpapatrulya noon ang mga tauhan ng QC Fairview Police Station 5 nang masabat ang dalawang suspek na nagtatakbo matapos may mabiktima sa lugar kung kaya nagkaroon ng ilang minutong habulan bago nagkaputukan na ikinamatay ng dalawang suspek.

Samantala, dakong 1:30 ng madaling-araw naman kanina nang masabat ng mga pulis sa checkpoint ng QCPD Station 6 Batasan sa Payatas Quezon City ang isang taxi Leila Union Isabela taxi (UVM-532 ) na inagaw ng mga holdaper sa driver na si Leo Cansiano, 38.

Inagaw ng tatlong suspek ang taxi kay Cansiano saka ito iginapos at tinakpan ng masking tape ang bibig bago inilagay sa compartment ng taxi.

Inikot-ikot umano ng mga suspek ang taxi bago hinoldap ang isang nag-aabang ng masasakyan  na si Dhane Gonzales, 17 at tinangay ang bag nito na naglalaman ng P2,600 cash at cellphone.

Dahil dito, agad nagreport sa Station 6 ang biktima na agad namang nagsagawa ng checkpoint sa panulukan ng Amlock at Brgy. Payatas.

Dito na umano nasabat ng mga pulis ang taxi hanggang sa makipagputukan ang mga suspek na ikinamatay ng dalawa sa mga ito habang nakatakas naman ang isang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply