4 patay sa banggaan ng 2 motorsiklo

DEAD on arrival sa pagamutan ang apat na sakay ng dalawang motorsiklo nang magsalpukan ang mga ito na parang mga toro sa gitna ng national highway sa South Cotabato, ayon sa ulat ng pulisya

Sa inisyal na report na ibinahagi ni PO1 Federico Pulido ng Tantangan Police Office, naganap ang sakuna bandang alas-3:30 ng madaling araw kanina sa kahabaan ng national highway sa Purok Acacia, Barangay New Iloilo.

Kinilala naman ang mga nasawi na sina Anthony Lauya, drayber ng unang motorsiklo at back-rider nitong si Ron Rick Villar.

Sa ikawalang motorsiklo naman, patay ang drayber na si Michael Cahandig at angkas nitong si Helen Cahandig.

Bukod sa mga namatay, nasugatan din ang dalawa pang back-rider na sina Lenny Mao at isang kinilala lamang sa pangalang Ella.

Ayon kay Pulido, nagkaroon ng head on collision sa gitna ng kalsada sa pagitan ng dalawang motorsiklo na kapawa tumatakbo ng matulin.

Ang motor na may apat na sakay ay galing sa barangay Libas sa Tantangan at papunta sa Koronadal para ihatid ang dalawang kaibigan sa Barangay San Felipe, Tantanga.

Samantala, ang isang motorsiklo na may dalwang sakay ay galing naman sa Koronadal papuntang Tacurong City.

Hinihinalang kapawa lasing ang mga drayber, ayon sa amga imbestiogador dahil parehong amoy alak ang mga ito, na maaaring nagpayabangan sa pagmomotorsiklo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply