6 Pinoy timbog sa pagnanakaw ng alahas sa Thailand

TIMBOG ang anim na turistang Filipino matapos magnakaw ng milyon-milyong halaga ng mga alahas sa isang mall sa Thailand.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, nagsagawa ng isang preliminary hearing sa anim na turistang Filipino na nahuli sa Bangkok kahapon (Biyernes, Marso 9), kasama ang mga interpreter at mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas doon.

Ani Hernandez, apat sa mga ito ay umamin habang ang dalawa ay itinanggi ang nasabing pagnanakaw ng mga alahas na tinatayang umabot sa anim na milyong Thai Baht o katumbas ng P8 milyon.

Wala pang hatol ang huwes sa Bangkok ngunit inirekomenda nito ang piyansang 500,000 Thai Baht.

Inaayos naman ng embahada na mabawasan ito.

Maaari silang makulong mula lima hanggang sampung taon kapag napatunayang nagkakasala.

Ayon sa DFA, nahuli ang mga Pinoy ng Thai Police.

Isa pang kasamahan nila ang pinaghahanap ng pulisya.

Ayaw pang ibigay ng DFA ang kanilang mga pangalan habang hindi pa naipaaalam ang nangyari sa kanilang mga pamilya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply