4 rebelde, sundalo utas sa Basilan encounter

APAT na kasapi ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at isang sundalo ang namatay habang tatlo pa ang malubhang nasugatan sa tropang gobyerno kasunod ng naganap na sagupaan sa kagubatan ng Sumisip, Basilan kahapon (Marso 15).

Ayon kay Col. Ricardo Visaya, Commander ng Army’s 104th Infantry Brigade, isang Private 1st Class ang namatay habang ang mga nasugatan ay tinukoy lamang nito sa mga apelyidong Pfc Resultan, Pfc Subito at Pfc Sagaysay; pawang ng 4th Scout Ranger Battalion (SRB) sa ilalim [D1] ng pamumuno ni Lt. Col Armand Arevalo.

Base sa impormasyong ibinahagi ni Visaya ang apat na namatay na bandido na nakasagupa ng Army’s 12th Scout Ranger Company (SRC) at 10th SRC sa ilalim ng superbisyon ng 4th SRB ay mula sa grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama at Kair Mundos sa Sitio Bohe Piyat, Barangay Baiwas, Sumisip, Basilan.

Bandang alas-onse ng umaga, ayon kay Visaya nang makasagupa naman ng tropa ng 12th SRC ang nasa 40 bandido sa kabundukan ng Barangay Baiwas sa bayan ng Sumisip kung saan nagkaroon ng mainitang bakbakan ang mga sundalo.

Nagsitakas naman sa timog silangang bahagi ng Brgy. Baiwas ang mga bandido na nasabat naman ng blocking force ng 10th SRC habang bitbit ang mga bangkay ng kanilang apat na kasamahan. Dito muling nagkaroon ng putukan dakong alas-4:50 ng hapon.

Sa nasabing panibagong sagupaan ay apat na miyembro ng Scout Ranger ang nasugatan kung saan isa sa mga ito ang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa tala ng militar, ang Abu Sayyaf na namayagpag noong dekada 90 ay sangkot sa serye ng kidnapping, pamumugot ng ulo sa mga hostage at mga sundalo, pambobomba at ambuscades.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng tropang gobyerno laban sa grupo ng mga bandido.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply