4 sibilyan sugatan sa paglusob ng ASG sa Sulu

APAT na sibilyan ang nasugatan nang umatake ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang detachment ng Philippine Marines sa may Barangay Panding Latih, Patikul, Sulu.

Ayon sa ulat, si Abu Sayyaf leader Basiri Arok ang nanguna sa pag-atake sa detachment ng 20th Marine Company ng Marine Battalion Landing Team10 (MBLT-10) gamit ang kanilang mga rifle grenade.

Nabatid na ang mga nasugatan ay naninirahan malapit lamang sa Philippine Marine detachment.

Batay sa ulat ng third Marine Brigade na nakabase sa probinsya ng Sulu sa pamumuno ni Col. Remnigio Valdez, nagkaroon ng 20 minutong palitan ng putukan na nauwi sa pagkakasugat ng apat na sibilyan.

Agad namang isinugod ang mga nasugatan sa ospital.

Naniniwala naman ang awtoridad na motibo ng pagsalakay ng ASG ay upang umalis ang mga sundalo sa lugar.

Nilinaw ni Valdez, na ang pagtatalaga ng Marine detachment sa lugar ay batay sa kahilingan ng mga residente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply