4 todas, 4 sugatan sa nabuwal na pader

NABUWAL ng malakas na hangin ang may siyam na metrong taas na itinitirik na pader at nabagsakan ang mga manggagawang nagtatayo nito na ikinamatay ng apat habang apat pa ang sugatan sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga nitong Biyernes ng hapon (Marso 2).

Sinabi ni Senior Supt. Nicanor Targa, safety department chief ng Clark Development Corp. (CDC), ang pader na may lapad na 25 metro ay itinitirik   sa northern section ng North Heaven Pharmaceutical Building  sa Industrial Estate 5 ng CIA.

Sa pahayag sa pulisya ng foreman na si Paul Bredis, nabuwal ang pader nang biglang umihip ang malakas na hangin  sa lugar dakong alas-2:30 ng hapon.

Namatay ang mga biktimang sina Enrique Laxamana, Rico Mabaga, Ryan Graduito at Joel Villapando nang mabagsakan sila ng mga pira-pirasong tipak ng bato mula sa nabuwal na pader, pahayag ni Targa.

Habang sina Jover Mesa, Rey Galos, Agustin Ganaganag at Rolly Sarmiento,ay nakaligtas sa aksidente ay isinugod sa Mt. Carmel Clark Hospital para sa kaukulang medical treatment.  Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply