40 KPH

ITO ang bagong speed limit na gustong ipatupad ni Transportation & Communications Secretary Mar Roxas para sa mga pampublikong bus. Sa mga susunod na araw ay ipatutupad ito sa Kalakhang Maynila muna ayon sa kalihim.

Pagdating ng Disyembre ang implemetasyon  nito ay nationwide na. Ito ang kanyang sagot sa bus-related accidents sa ating mga pangunahing kalsada. Pinag-isipan bang mabuti ito ng kalihim na dating kongressman, senador, at DTI secretary?

Sa aking natatandaan, simula nung ako’y nagkamalay ay may takdang speed limit na sa South Luzon Expressway (SLEX) at South Super Highway (Osmena). Minimum na 60 kph at maximum na 80 kph. Sa pagbukas naman ng North Luzon Expressway (NLEX) at ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) pati na rin ang Star Tollway ay naging 100 kph ang maximum speed limit.  Tapos ngayon 40 kph ang MAXIMUM para sa mga bus? Kung sa EDSA siguro tuwing rush hour ay puwede dahil hindi talaga aabot sa 40 kph ang takbo ng mga bus dahil sa trapik.  Pero sa ibang araw tulad ng Linggo na sadyang maluwag ay hindi makakabuti ito sa ibang motorista at pati na rin sa mga pasahero.

Sa isang kalsada tulad ng mga highway, sa salitang highway na lang po ay napakabagal ng 40 kph. Ang 40 kph ay karaniwang speed lmit sa loob ng mga subdibisyon at iba pang residential areas. 60 kph nga ang MINIMUM sa highway.  Ang minimum at maximum speed limit na itinakda sa atin ay hindi basta numerong itinakda lamang ngunit ito’y masusing pinag-aralan. Para sa kaligtasan ng lahat ng motorista ang mga salitang MINIMUM at MAXIMUM.

Damay rin ang mga pasahero dito. Bakit? Dahil sa takbong di hihigit sa 40 kph ibig sabihin nito ay hanggang segunda o tersera lang ang mga bus. Ito ay magreresulta sa high rpm o revolution per minute. Sa madaling salita ay lalakas sa konsumo ng krudo o gasolina ang mga bus. Magtataas sila ngayon ng singil sa pasahe. At syempre, magkano kaya ang speed limiter na ikakabit sa mga bus?

Sana ay mapag-aralan uli ito ng ating kalihim. Maganda naman ang pakay pero mali ang numerong 40. Dagdagan niyo pa po ng kaunti.

*****

Advanced Happy Birthday kay JP Tuason ng Tuason Racing School!

* * *

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810 AM.

Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply