40 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog sa Mandaluyong

TINATAYANG 40 pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang masunog ang isang residential area nang matumba ang isang gasera sa gitna ng away ng mag-asawa sa Mandaluyong City, bago maghatinggabi.

Ayon sa report ng dzBB, nagsimula ang sunog bandang alas-10:40 p.m. sa bahay ng isang Peter Pinuelas at nadamay ang kabahayan ng mga kapitbahay nito bago pa makatawag ng bumbero.

Wala namang napaulat na nasugatan sa sunog sa Acacia Lane,n Bgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Inaalam pa sa kasalukuyan ang katotohanang nagsimula ang sunog makaraang mag-away ang mag-asawa at aksidenteng nasagi ang gasera.

Naapula naman ang sunog bandang alas- 11:50 p.m.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply