40-year old Pharmacy Law rerepasuhin na

REREPASUHIN na ng Senado ang 40 taong gulang na Pharmacy Law upang makaagapay sa pagbabago ng teknolohiya at kaunlaran ng propesyon sa bansa at mapaunlad ang kanilang kalagayan bilang bahagi ng pagpapatingkad sa naturang larangan.

Inihayag nitong Linggo ni Senador Antonio Trillanes IV na layunin ng Senate Bill No. 3140 na amiyendahan ang Pharmacy Law upang maakagapay sa kaunlaran ng propesyon at mapatingkad ang kakayahan ng bagong graduates.

“Lubhang naluma ang 40 taong gulang na batas sa makabagong siyensiya at teknolohiya kasabay pa ng mabilis na paglawak ng pandaidigang ekonomiya, kundi man inutil na ito,” giit ni Trillanes.

Sinabi ni Trillanes na layunin ng panukala na magkaroon ng pangkaraniwang pamantayan at magkaroon ng regulasyon sa pharmacy education sa bansa at pahusayin ang rehistrasyon at pagbibigay ng lisensiya sa bagong graduates.

Layunin din nito na magkaroon ng mahusay na superbisyon, control at regulasyon sa praktis ng parmasiyutiko kabilang ang pagpapatingkad ng kakayahan ng propesyon sa pamamagitan ng patuloy na research and development, at patibayin ang propesyon ng parmasiyotiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply