411,064 turista bumisita sa PHL nitong Enero

UMABOT sa 411,064 ang mga turista na dumating sa bansa nitong Enero 2012, ayon sa Department of Tourism.

Ito ay mas mataas ng 17.5% sa kaparehong buwan noong isang taon.

Sinabi ni Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr., ito ang kauna-unahang pagkakataon na nalampasan ng ahensya ang 400,000 turista sa isang buwan lamang.

Noong Enero 2011, may 349, 713 turista lang ang dumating sa bansa.

Umaasa naman ang kalihim na magpapatuloy ang pagdagsa ng mga turista lalo na sa paglabas ng kanilng bagong kampanyag “Its more fun in the Philippines.”

Nais din nilang maabot ang target na 4.6 milyong turista ngayong 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply