47% ng mga Pinoy naniniwalang guilty si Corona- survey

NANINIWALA ang karamihan ng mga Filipino na guilty si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa mga akusasyong ibinabato laban sa kanya, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, lumabas na 47% ng 1,200 na nasarbey noong Pebrero 26 hanggang Marso 9 ay naniniwalang guilty si Corona sa mga reklamo na inihain ng House committee on justice, kabilang na ang culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.

Nabatid na limang porsiyento lang ang naniniwalang inosente ang punong mahistrado habang undecided naman ang 43%.

Batay din sa survey, walo sa 10 Pinoy ang sumusubaybay sa impeachment trial sa pamamagitan ng telebisyon.

Gayunman, kalahati naman ng mga respondent ay inaming konti lang ang nalalaman sa isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply