5 African nationals kinasuhan ng Customs

KINASUHAN na sa Department of Justice ang limang African nationals dahil sa tangkang pagpuslit ng P185 million halaga ng shabu sa bansa.

Ayon Bureau of Customs (BoC), kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act at Tariffs and Customs Code of the Philippines ang kanilang isinampa kina Lina Achieng Noah, Josephine Balikuddembe, mag-asawang Joseph Yao Kyeremateng at Hamshawu Sulemana at Aicha Camara, anim na buwang buntis.

Una nang sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na miyembro ang mga nabanggit ng malaking international drug syndicate.

Nitong Pebrero 24 nakuha sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kay Noah ang siyam kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P63 million, habang naaresto naman noong Marso 10 si Balikuddembe bitbit ang may tatlong kilos ng illegal drugs.

Umaabot naman sa 10 kilos ng shabu ang nakuha sa mag-asawang Kyeremeteng at Sulemana na nagkakahalaga ng P80 million.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply