5 bagets nangholdap, tiklo

ARESTADO ang limang high school students ng isang pampribadong eskwelahan sa Quezon City makaraang mangholdap umano nang dahil sa load para sa online gaming.

Isinumbong ng biktimang si “King”, kasama ang dalawang 3rd year high school students, ang tatlong holdaper na kumuha ng gamit niya sa mga mobile patrol unit sa Camp Karingal.

Kaagad namang naaresto ang mga suspek na pawang mga menor de edad subalit itinuro din ng mga nahuling suspek ang dalawang estudyante na kasama ni King, na kasabwat umano nila ang mga ito.

Ayon sa isa sa mga suspek, kasama raw nila ang dalawang estudyante, at napag-utusan lang umano sila ng mga 4th year students na kunin ang pera nila sa biktima subalit ng hindi ito ibinigay, sinabihan silang holdapin na ito.

Ayon sa biktima, magkikita dapat sila ng isang buyer na bibili ng mga e-load cards at sasali sa networking subalit hindi ito dumating.

Dagdag pa ng biktima, nagpabalik-balik sila sa isang kalye at doon na nagdeklara ng holdap ang mga suspek.

Umabot ng kalahating oras ang habulan ng mga suspek at ng mga awtoridad, natapos lamang ito nang pumutok ang gulong ng sasakyan ng mga suspek sa Quezon Avenue.

Nakuha mula sa mga suspek ang mga bonnet, patalim, at ang bag ng biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply