5 miyembro ng Bonifacio carjacking group nalambat

ARESTADO ang limang miyembro ng kilabot na Bonifacio Carjacking Syndicate sa isinagawang raid ng mga opertiba ng Quezon City Police sa Baliwag Bulacan kagabi (Martes, Marso 6).

Kinilala ni QCPD Dir. Gen. Mario dela Vega, ang mga nadakip na sina Joemel “Noknok” Salbasierra, 30, Hermogenes “German” Vergara, 54, ng Malabon, Ryan Cruz, 23, ng Pampanga, Roy Agto, 33, at isang Edgardo Caguiat, 28 ng Calumpit Bulacan.

Ayon sa pulisya, kabilang sa mga narekober sa mga suspek ay ang mga umano’y kinarnap na sasakyan na kinabibilangan ng isang kulay pulang Honda-CRV (ZTC-829), puting Mitsubishi L-300 na may (PIV-586) at kulay pulang Mitsubishi Montero (PDQ-518) at limang iba’t ibang uri ng baril at compressor.

Sinabi pa ni Gen. Dela Vega, nadakip ang mga suspek dakong 11:00 ng gabi kagabi sa safe house ng mga suspek sa Baliwag, Bulacan.

Matagumpay na nadakip ang mga suspek matapos ang ilang araw na surveillance operation na isinagawa sa mga suspek sa kanilang hideout.

Naging ugat sa pagkakahuli sa mga miyembro ng Bonifacio carjacking group ay ang patuloy na isinasagawang pagtugis ng mga tauhan ng QCPD sa Mark-Lester Carjacking group.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply