5 pulis na sabit sa UPLB slay case kakasuhan na

KAKASUHAN na ng pamunuan ng Philippine National Police ang limang kabaro na idinadawit sa pagpatay kay University of the Philippines Los Baños student Ray Bernard Peñaranda.

Mismong si Laguna Police Director Senior Superintendent Gilbert Cruz ang nagpahayag na kanilang iimbestigahan ang police connivance sa  Peñaranda robbery-slay case base na rin sa pahayag ng dalawang nadakip na suspek.

Kasabay nito, itinanggi ng Laguna PNP na fall guys ang mga suspek na kanilang inaresto at iniharap sa media.

Magugunita na inihayag ng PNP na case closed na ang Peñaranda killing matapos madakip ang mga suspek na sina Joseph Beltran, Tyrone Terbio at Carl de Guzman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply