50 kabahayan naabo sa Cainta, Rizal

TINATAYANG mahigit sa 50 bahay ang nilamon ng apoy makaraang masunog ang residential area sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal kaninang madaling araw, Marso 29.

Ayon kay OIC-Chief arson investigator FO2 Morell Ricardo Mangan, umabot sa mahigit dalawang oras ang sunog bago naideklarang fire under control.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP-Cainta upang malaman ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halagang ari-ariang naabo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply