500 pamilya ‘homeless’ sa sunog sa QC

AABOT sa 500 pamilya ang nawalan ng bahay makaraang tupukin ng apoy sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon kay Senior Supt. Bobby Baruelo, fire marshal ng Bureau of Fire Protection Quezon City, aabot sa 200 bahay ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap dakong 11:44 ng umaga kanina sa E. Rodriguez Street at Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Sa ulat, nagsimula ang sunog mula sa bahay ng isang Cristina Abella at mabilis na kumalat sa katabing mga kabahayan.

Dalawa ang iniulat na nasugatan na kasalukuyan pang inaalam ang mga pangalan.

Umabot ang sunog sa Task Force Alpha at ganap na naapula dakong 1:50 ng tanghali kanina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply