51 pts. ni Love no way kina Westbrook at Durant

NAGTULONG sina Russell Westbrook at Kevin Durant sa opensa upang balewalain ang 51 puntos na tinarak ni Kevin Love sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Kumamada ng 45 points, six assists at four rebounds si Westbrook habang 40 puntos at season-high 17 rebounds naman ang kinana ni Durant upang pagpagin ng Oklahoma City Thunder ang Minnesota Timberwolves, 149-140 sa double-overtime.

“There’s a lot of great performances throughout this game but the good thing about it was our team victory,” ani Westbrook.

Si Love na tinalo si Durant sa 3-points contest sa nakaraang All-Star game ay sumunggab ng 14 rebounds at career-high pitong 3-pointers upang maging pangatlong player na nakapagtala ng 50 pts. sa season na ito.

“It doesn’t matter. We lost,” sabi ni Love. “We needed this game, especially the last game of our road trip against a very good team. This could have definitely been a driving force for us in these last 17, 18 games.”

Bukod kay Love, nagtala rin ng unang triple-double ang kakampi nitong si J.J Barea matapos isalpak ang 25 points, career-best 14 assists at 10 boards.

“Everybody made plays when it counted,” saad ni Love. “There was just a concerted effort from their team in that second overtime. The ball bounced their way with a little bit of luck and they made stops.”

Matapos ang panalo ng Thunder ay nananatili pa rin itong nasa tuktok ng Western Conference na may 36-12 win-loss card habang bagsak sa 23-26 panalo-talo karta ang Timberwolves.

Sa ibang NBA resulta, nilapnos ng Miami Heat ang Detroit Pistons, 88-73 habang pinayuko ng San Antonio Spurs ang defending champion Dallas Mavericks, 104-87.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply