520 bagong doktor nakapasa sa pagsusulit

UMABOT sa 520 ang bilang ng mga nakapasa sa isinagawang Physician Licensure Examination ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Board of Medicine nito lamang nakalipas na Pebrero sa Maynila at Cebu.

Ayon sa PRC, nanguna sa listahan ng nakapasa sa pagsusulit mula sa kabuuang 990 ay si Ronald Resuma Ceriales na mula sa Our Lady of Fatima University-Valenzuela.

Si Ceriales ay nakakuha ng rating na 88.50 %.

Nasa pangalawa naman si Jon Karl Delgado Velasco na nakakuha  ng 85.92% at mula sa Cebu Institute of Medicine.

Ang iba pang pumasok sa Top 10 ay sina Miguel Rafael David Ramos (85.83%) ng Saint Luke’s College of Medicine; Von Andre Mejico Medina (85.58%) ng University of Perpetual Help System-Laguna; Irvin Lorrie Pitapit Galvan (85.42%) ng Our Lady of Fatima University sa Valenzuela; Murphy Estremos Boyles, (85.33%) ng Xavier University; Christina Margarita Canon Janer (85.17%) ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; Marc Frances Bongcawil Magoncia (84.75%) ng Xavier University; Cherrylyn Restrivera Laguna (84.67%) ng Our Lady of Fatima University sa Valenzuela City; at Bill Allen de Guzman Alarcon at  Uzziel Ginette Aguinaldo Bascao na nakakuha ng parehong rating na 84.58% at kapwa nagmula sa  Our Lady of Fatima University ng Valenzuela City.

Nakatakda namang magsisimula ang paglabas Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa Marso 12 at magtatapos sa Marso 16.

Hindi pa batid kung anong petsa at saan gaganapin ang oath taking ceremony para sa mapalad na nakapasa ng nasabing pagsusulit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply