55 libo silya naipagawa sa nakumpiskang hot logs

UMAABOT na sa 54,303 piraso ng mahahalagang kagamitang pang-eskwelahan ang nagawa mula sa hot logs na nakumpiska ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay DENR Sec. Ramon J. P. Paje, libo-libong silya, mesa, desk at mga bangko ang nagawa mula sa milyun-milyong board feet ng ilegal na kahoy na kanilang nakumpiska.

Ngayon aniya ay wala nang problema sa bidding dahil ibinigay nila ang hot logs sa Department of Education (DepEd).

Nakikipagtulungan din sa kanila ang Philippine Gaming Corporation (Pagcor) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang magawa ang mga silya.

Aniya, sa ganitong paraan ay hindi na kakapusin sa silya ang mga mag-aaral sa susunod na pasukan.

Ang iba sa mga nagawa nilang silya ay naipamahagi na sa mga paaralan, samantalang ang iba naman ay ipinagagawa pa lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply