57-anyos na ginang durog sa 3 jeep sa Albay

PATAY ang 57-anyos na ginang, habang 16 pa ang nasaktan makaraang magkarambola ang tatlong pampasaherong jeep sa Bacacay, Albay kaninang umaga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dead on arrival sa Cope Hospital sa nasabi ring bayan si Marietta Beguiras, 57.

Si Beguiras ay kabilang sa pasahero ng tatlong jeep na nagkarambola sa nasabing lugar kung saan ay may 16 ang sugatan.

Ayon kay Senior Supt. William Macavinta, hepe ng Albay police, galing ng Bacacay at patungo ng Tabaco City ang mga jeep nang matumbok ng jeep na may plakang DTW 793 ang mga kaharap nitong jeep.

Ayon sa driver ng naturang pampasaherong jeep na si Michael Bermundo, nawalan ng preno Ang kanyang sasakyan kaya inararo ang mga jeep na nasa unahan nito.

Agad tumakas si Bermundo matapos ang aksidente pero kinalaunan ay napagpasyahan din niyang sumuko sa pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply