6 ambassador itatalaga ng DFA sa iba’t ibang bansa

NAKATAKDANG italaga ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang anim na bagong ambassador sa iba’t ibang bansa.

Batay sa memorandum na ibinigay kay Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, kabilang sa manunungkulan ay si Benito Valeriano bilang Ambassador to India at concurrent jurisdiction sa Nepal.

Si Alex Lamadrid naman ay itinalagang Ambassador to Nigeria, na may concurrent jurisdiction sa Benin, Burkina Faso, Cameroon, Cape Verde, Central African Republic, Cote D’ivoire, Equatorial Guinea, Gabonese Republic, Gambia, Ghana, Guinea, Guinea-Bissau, Liberia, Sao Tome At Principe, Senegal, Sierra Leone at Tongo.

Pasok din si Jocelyn Batoon-Garcia bilang Ambassador to Thailand; Olivia Palala, Ambassador to Jordan na may concurrent jurisdiction sa Palestine; Oscar Orcine, Ambassador to Libya na may concurrent jurisdiction sa Algeria, Chad, Mali, Malta, Mauritania, Niger at Tunisian Republic at Nestor Padalhin, Ambassador to Syria.

Nabatid na ang anim ay pawang mga career official sa Department of Foreign Affairs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply