6-anyos na paslit tigok sa bumagsak na puno

PATAY ang isang bata matapos na mabagsak ng puno habang nagpapahangin sa tapat ng kanilang bahay sa Aklan kaninang umaga.

Namatay habang ginagamot sa Aklan Provincial Hospital (APH) sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at paa ang biktimang si Mariza Caringal, 6-anyos at residente ng Barangay Ipil, Batan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Carme, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa labas ng kanilang bahay.

Bago ito, kagigising lamang ng biktima at naisipan nitong umupo sa labas ng kanilang bahay para magpahangin sa tapat ng isang Buli tree.

Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nabuwal ang naturang puno at nadaganan ang biktima.

Natagalan naman ang pagkuha sa biktima dahil masyaong masanga ang naturang puno na hinihinalang naging marupok dahil palagiang sinisigaan para mabuhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply