6 katao nalason sa litsong manok

SABAY-SABAY nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae ang anim na magkakamag-anak makaraang malason sa kinaing litsong manok sa Barangay Milibili, Roxas City.

Kinilala ang mga biktima na kinabibilangan ng punong barangay na si Adolfo Azarcon, anak na si Myrma Batilaran at mga apo na sina Elmer Batilaran at ang apat na taong gulang na si alyas Jan-jan, kabilang din sina Ajing Batilaran at Lucy Francisco.

Nabatid na sabay-sabay na kumain ng biniling litsong manok ang pamilya ng dating punong barangay nang makaraan ang ilang oras ay nakaranas na sila ng pananakit ng tiyan at pagkahilo.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply