6 Pinoy pasok sa ‘world’s richest men’

PASOK ang anim na Filipino tycoons sa listahan ng pinakamayayaman sa buong mundo.

Ayon sa Forbes Magazine, pinakamayamang Pinoy ang mall tycoon na si Henry Sy na pumasok sa ika-111 na puwesto.

Si Sy at ang kanyang pamilya ay nakapagtala ng $8 bilyong net worth.

Pangalawang pinakamayamang Pinoy ay si Lucio Tan na nagmamay-ari ng 1/3 ng Philip-Morris Fortune Tobacco at Philippine Airlines.

Pasok din sa listahan sina Andrew Tan ng Alliance Global na may business interest din sa Megaworld Corporation, Emperador Distillers, at Resorts World Manila at Enrique Razon Jr. na nasa Ports Operation.

Sina Sy, Lucio Tan, Andrew Tan at Razon ay datihan nang nasa listahan ng world’s richest men ng naturang magazine.

Bago namang napasama sa listahan ang mga negosyanteng sina Eduardo Cojuangco ng San Miguel Corporation at Roberto Ongpin na may investments sa property, gaming, mining at telecommunications.

6 Pinoy pasok sa ‘world’s richest men’
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply