6 rebelde arestado sa engkwentro sa NE

ANIM na miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) kabilang ang tatlong mataas nitong opisyal ang nahuli sa naganap na engkuwentro sa liblib na lugar sa Sta. Rosa, Nueva Ecija kahapon ng hapon (Marso 28).

Ang anim ay nahuli ng 56th Infantry Battalion matapos na siyasatin ang hinihinalang hide-out ng rebeldeng grupo sa Barangay Sto Nino, Sta. Rosa sa nasabing probinsya.

Matapos ang sampung minutong putukan mabilis na tumakas ang mga rebelde bitbit ang ilang sugatang kasapi habang naiwan naman ang anim na sugatan na napilitang sumuko.

Ang mga dakip ay kinilalang sina Efren Delalamon, alyas “Baste,” Carla Ramos Bautista alyas “Joy,” isang political instructor sa Central Luzon Regional Committee (CLRC), Andres Lapuz Ely alyas “Marco,” John Michael Ilito, Felix Sarabia at Ambrosio Ilito.

Bukod sa mga nadakip, nakuha rin ng tropa sa mga rebelde ang dalawang granada, iba’t ibang ammunition, isang itim na Toshiba Laptop, isang portable generator set, isang icom radio, posas, tatlong Nokia cellphone, iba’t ibang gamot at gamit sa medisina at pera na nagkakahalaga ng P116,000.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply