60-anyos na lola nagtapos sa high school

NAGTAPOS sa high school ang isang 60-anyos na lola sa Barotac Nuevo National Comprehensive High School sa Barotac Nuevo, Iloilo kahapon ng umaga (Marso 30).

Si Lola Amparo Margaha ay kabilang sa mahigit 1,000 estudyante ng paaralan na tumanggap ng diploma sa kanilang graduation rites.

Dumalo sa graduation rites ni Lola Amparo ang kanyang esposo at anak na isang miyembro ng Philippine Navy (PN).

Ayon kay Lola Amparo, nais niyang makatapos sa kanyang high school kahit siya matanda na.

Si Lola Amparo ay nag-enroll sa 4th year noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Lola Amparo, na huminto siya sa pag-aaral sa ikaapat na taon sa sekondarya noon dahil nag-asawa siya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply