60 isinugod sa ospital dahil sa chemical spill

ITINAKBO sa mga pagamutan ang may 60 katao sa Zamboanga City dahil sa nalanghap na amoy ng kemikal kasunod ng naganap na pagsabog sa ice plant ng isang fishing company sa Zamboanga City kagabi (Pebrero 29), iniulat ng Office of Civil Defense.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo ngayon, nakaramdam ng matinding pagkahilo at pagsusuka ang mga mangagawa ng Leo Fishing Company na nasa Barangay Ayala ng naturang lungsod, at maging ang mga residente na naninirahan malapit sa nasabing planta.

Nabatid na bago ang tila nakakamatay na usok na nalanghap ng mga biktima ay isang pagsabog muna ang naganap sa Leo Fishing Compnay Ice plant na sinasabing dahilan upang tumagas ang malaking volume ng ammonia.

Dahil din sa lumabas na masangsang na usok ay dali-daling lumikas ang may 2,000 residente ng nasabing barangay.

Sa paliwanag ng may-ari ng planta na kinilalang si Ismael Tan nabagsakan ng mabigat na hulmahan ng yelo ang tubong dinadaanan ng ammonia kaya nagkaroon ng pagtagas.

Nabigla rin umano ang mga manggagawa at nagpanik kaya hindi kaagad nila apigilan ang chemical leak.

Nasawata lamang ang tagas bandang hatinggabi kaya napilitang magpalipas muna ng gabi ang mga residente sa ibang lugar.

Inutos ngayon ng lokal na paamahalaan na siyasatin ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply