64-anyos kagawad tigok sa rumaragasang kotse

NAMATAY ang isang 64-anyos na barangay kagawad matapos masagasaan ng rumaragasang kotse sa Pasay City, kaninang pasado alas-singko ng madaling araw.

Kinilala ni SPO1 Albert Ignacio ang biktima na si Rolando Angeles, residente ng San Juan St., ng naturang lungsod.

Naisugod pa sa Pasay City General Hospital ang biktima ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sanhi ng pagkakabagok ng ulo na tumama sa semento.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay sumasailalim sa foot therapy dahil kaoopera lamang ng kanyang kanang binti na kinabitan ng bakal para makalakad muli.

Matapos ang pagjo-jogging tumawid ang biktima patungong FB Harrsion sa tapat ng Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex nang masalpok ito ng isang rumaragasang Toyota Camry (THI-210) na minamaneho ng isang Benny Tan na taga-Las Piñas City.

Inaalam ng awtoridad kung nakainom ang suspek kaya nabundol ang biktima.

Hawak na ngayon ng pulis ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply