65,000 dayuhan dumagsa sa Immigration

MAHIGIT sa 65,000 dayuhan ang dumagsa sa tanggapan Bureau of Immigration (BI) upang gumawa ng annual report sa kanilang status sa bansa, sa pag-uulat ng ahensiya.

Ayon kay Commissioner Ricardo David Jr., mula Enero 2 hanggang Marso 2 ang mga dayuhang nakapag-report sa ahensiya ay umabot sa 65,610 bilang pagtalima sa alien registration act na nag-uutos sa mga banyaga na magsagawa ng annual report sa loob ng 60 araw sa bawat calendar year.

Karamihan sa mga dayuhan ay nag-file ng report sa Bi main office sa Intramuros, Manila habang ang iba ay pumunta sa iba’t ibang tanggapan sa immigration sa bansa.

Nabatid mula sa hepe ng BI na nakalikom ang kanilang ahensya ng mahigit sa PhP20.3 milyon mula sa taunang report.

Ang sinumang dayuhang hindi umabot sa March 2 deadline ay maaari pang gumawa ng kanilang annual report pero ito ay papatawan ng penalties.

Ang mga dayuhan ay papatawan ng PhP350 na penalty sa bawat buwan kapag hindi nakapagbayad agad.

Binalaan ni Atty. Ronaldo Ledesma ang mga dayuhan na sinumang hindi nakapag-report ay maaaring mag-iba ang status ng pananatili sa bansa at maaaring maging dahilan  para sa kanilang deportasyon.

Base sa ilalim ng 1950 alien registration act, lahat ng nagtataglay ng immigration on non-immigration visas ay kinakailangang magsumite ng annual report.

Napag-alaman na mula sa statistics ng ahensiya na mayroong 47,757 dayuhan o 65 porsiyento ng dayuhan ang pumunta sa tanggapan ng immigration para mag-report.

Ang iba pang tanggapan ng BI na pinuntahan ng ibang mga dayuhan para sa kanilang taunang report ay ang Baguio, Batangas, Boracay, Cebu, Clark, Dagupan, Davao, Laoag, Makati, Olongapo, Subic, Pasay, Taytay, Zamboanga, and San Fernando (La Union).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply