65,000 dayuhan nakatala sa Pilipinas– BI

UMABOT sa mahigit sa 65,000 na dayuhan ang personal na nagtungo sa mga tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) upang magsumite ng kanilang taunang ulat, na mas mataas kumpara noong isang taon.

Sa Isang kalatas, sinabi ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr., na may kabuuang 65,661 na dayuhang may hawak ng immigrant at non-immigrant visas ang nasumite ng kanilang annual report para sa taon 2012,

Ito ay mas mataas sa 65,155 na nakatalang dayuhan noong isang taon, isang indikasyon na mas pinipili ng mga dayuhan na manatili ng matagal sa Pilipinas upang magtayo ng negosyo, magtrabaho ng ligal o mag-aral.

Ayon pa kay David, ang mga dayuhan ay nagtungo sa kanilang mga tanggapan simula noong Enero 2 hanggang Marso 3, upang sumunod sa itinatakda ng Alien Registration Act of 1950 kung saan inaatasan ang mga dayuhan sa Pilipinas, maliban lamang sa mga turista, na magsumite ng kanilang annual report o taunang ulat.

Ayon pa kay David, karamihan sa mga dayuhan ay personal na nagtungo sa punong tanggapan sa Intramuros, Maynila habang ang iba naman ay nagsumite ng kanilang annual report sa ibang sangay ng kawanihan sa buong kapuluan.

Batay sa datos, may 47,757 dayuhan ang nagsumite ng kanilang annual report sa Intramuros, Maynila habang ang natitirang bilang naman ay sa mga immigration filed office at extension office sa Baguio, Batangas, Boracay, Cebu, Clark, Dagupan, Davao, Laoag, Makati, Olongapo, Subic, Pasay, Taytay, Zamboanga, at La Union naman nagbigay ng kanilang taunang ulat.

Inihayag din nito na umabot sa P20.3 milyon ang kinita ng pamahalaan sa ginawang pagpapatala ng mga dayuhan.

Nilinaw naman ni BI-Alien Registration Division (ARD) chief Ronaldo Ledesma, na maaari pa ring magpatala ang mga dayuhan na nabigong magsumite ng kanilang annual report sa loob ng 60 araw simula ng bagong taon.

Gayunpaman, magbabayad ng multa na P350 bawat buwan, bukod pa sa pinagbabayad ng P310 ang mga nahuling magsumite ng annual report.

Binalaan din ni Ledesma ang mga dayuhan na mabibigong magsumite ng kanilang annual report na maikokonsidera na silang mga undesirable alien at may posibilidad na mapatalsik sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply