7-anyos hinalay, pinatay sa Maynila

NATAGPUAN ang isang bangkay ng 7-anyos na babae na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay sa isang bahay sa Pat Antonio Street, Barangay 602 Santa Mesa, Maynila.

Nabatid sa imbestigasyon na galing umano sa pagtitinda ang nangungupahan sa nasabing bahay nang makita nila ang bangkay nang hindi pa nakikilalang biktima na nakatakip lamang ng kumot at walang suot na pang-ibaba.

Base sa pulisya, hinihinalang hinalay muna ang bata at saka binigti gamit ang nylon cord.

Napag-alamang hindi taga-ang bata dahil walang nakakakilala rito.

Samantala, timbog ang dalawang hinihinalang suspek makaraang agad na rumespunde ang mga awtoridad na nakilalang sina Cecilio Bacolo, 19; at Roderick Soliveres, 28 na nasa kustodiya na ng homicide section ng Manila Police District at kasalukuyang iniimbestigahan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply