7-anyos lasog sa passenger bus

LASOG ang murang katawan ng isang pitong taong gulang na batang babae matapos na mabundol ng humahagibis na pampasaherong bus sa Camarines Sur, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report, kinilala ang biktima na si Mia France Briones ng Zone 6, Barangay Sagrada, bayan ng Pili.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Cornelio Barrameda ng PNP-Pili, bigla na lamang tumawid sa Fuentebella Highway ang biktima na hindi kaagad napansin ang Florencia bus na minamaneho ni Rodel Osia ng Camagong, Lagonoy dahil sa bilis ng pangyayari.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa mga awtoridad na aminadong hindi niya napansin ang pagtawid ng bata kaya’t atrasado na upang magpreno.

Sa ngayon, hinihintay ng PNP ang desisyon ng pamilya ng biktima kung tuluyang kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide ang driver.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply