7-anyos na-shoot sa manhole sa Tondo, patay

PATAY na nang matagpuan ang 7-anyos na batang lalaki nang mahulog sa isang butas ng construction site habang naliligo sa ulan kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Mismong ang ama na si Jaime na nagtatrabaho rin sa nasabing construction site ang nakakita sa biktima na si Jimmy Laurio, ng 834 Hamabar St. Tondo, Maynila na nakalutang na sa nasabing hukay.

Sa report ni SPO2 Glenzor Antonio Vallejo, ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-6 ng umaga nang makitang wala nang buhay ang biktima nang buksan ng kanyang ama ang galbanisadong pintuan ng construction site.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima habang naliligo sa ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply